TULONG PANGKABUHAYAN, HATID NG PCUP SA VISAYAS

CEBU – Sa patuloy na pagsusumikap ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na mabigyan ng mas maayos na pamumuhay ang mga maralitang Pilipino, pinangunahan ni Commissioner Hon. Reynaldo P. Galupo ang isang Livelihood Forum sa Golden Prince Hotel and Suites sa Cebu noong Pebrero 3, 2025.
Dinaluhan ng 34 na miyembro mula sa iba’t ibang urban poor organizations (UPOs) sa lungsod ng Cebu, Mandaue, Lapu-Lapu, at Talisay, layunin ng forum na magbigay ng oportunidad sa mga dumalo upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Ayon kay Comm. Galupo, ang isa sa pangunahing pangangailangan ng tao ay may maayos na pagkakakitaan, sapat na pagkain, tirahan, at kasuotan. Naniniwala siyang ang pagbibigay ng oportunidad sa hanapbuhay ay isang mahalagang hakbang upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga maralita.
Ipinaliwanag naman ni Mr. Seymoun Hamoy, Senior Labor and Employment Officer ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 7, ang iba’t ibang Livelihood Program na maaaring ma-avail ng mga miyembro ng UPOs. Ang naturang programa ay nagbigay ng pag-asa sa mga dumalo, na umaasang sa lalong madaling panahon ay kanilang mapakinabangan ang mga benepisyong ito.
Sa ilalim ng pamumuno ni PCUP Chairperson at CEO, Hon. Meynardo A. Sabili, patuloy ang komisyon sa pagsasagawa ng mga programa at inisyatiba upang matulungan ang mga urban poor sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Isa itong patunay ng dedikasyon ng PCUP sa pagpapabuti ng buhay ng maralitang Pilipino sa pamamagitan ng makabuluhang oportunidad sa kabuhayan. (LATIGO REPORTORIAL TEAM)

Spread the love

RACAL INDUSTRIAL CITY, MAMAMAHAGI NG PATROL VEHICLES AT MOTORSIKLO SA KAPULISAN NG BULACAN

“PHILHEALTH’S EXPANDED BENEFITS”, 13 MILLION BENEPISYARYO SA GITNANG LUZON ANG MAKIKINABANG (LATIGO NI BATUIGAS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *