LUNGSOD NG QUEZON – Pormal na nanumpa si Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. bilang “3-Star General” sa isang seremonya noong Pebrero 13, 2025, sa Camp Crame, na pinangunahan ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil.
Si PLTGEN Nartatez ngayon ay ang kasalukuyang Acting Deputy Chief for Administration, ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng PNP, na may pangunahing tungkulin sa pangangasiwa ng administratibong operasyon ng pambansang pulisya. Ang kanyang promosyon ay isang patunay ng kanyang dedikasyon at epektibong pamamahala sa organisasyon
Dinaluhan ang seremonya ng mga matataas na opisyal ng PNP, mga tauhan, at pamilya ni PLTGEN Nartatez bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Nangako siyang ipagpapatuloy ang kanyang pagsusumikap upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Kasabay ni PLTGEN Nartatez Jr, nanumpa rin para sa kanilang bagong ranggo sina PMGEN Constancio T Chinayog Jr. na mananatiling Director for Personnel and Records Management, na siyang namamahala sa career development at records ng lahat ng personnel ng PNP at si PMGEN Nicolas D Torre III na patuloy na nagsisilbi bilang Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na nangunguna sa matikas na imbestigasyon at paglaban sa kriminalidad sa buong bansa. (LATIGO REPORTORIAL TEAM)
