KORTE SUPREMA, PINAGPAPALIWANAG ANG KONGRESO SA IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY VP SARA DUTERTE

Pinagpapaliwanag na ng Korte Suprema ang Senado at Kamara kaugnay ng petisyon ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte na ideklarang walang bisa ang impeachment complaint na inihain laban sa kanya.
Sa inilabas na En Banc Resolution ng Mataas na Hukuman, binigyan ng hanggang sampung araw ang Kongreso upang magsumite ng kanilang opisyal na tugon sa petisyon ni Duterte.
Matatandaang noong Pebrero 18, naghain ang kampo ni VP Sara ng petisyong certiorari at prohibition sa Korte Suprema. Iginiit ng Pangalawang Pangulo na labag sa Konstitusyon ang pagtanggap ng Kongreso sa impeachment complaint, dahil ayon sa Saligang Batas, maaaring magsampa lamang ng isang reklamo sa loob ng isang taon. Dahil dito, kinukuwestiyon ni Duterte ang legalidad ng isinampang kaso laban sa kanya.
Patuloy na pinakaaabangan ng publiko ang magiging tugon ng Senado at Kamara sa kautusan ng Korte Suprema.
Samantala, nananatiling malaking usapin sa pulitika ng bansa ang kasong ito, na maaaring magkaroon ng malalim na epekto sa kasalukuyang administrasyon at sistema ng hustisya. (Nik Bendaña)

Spread the love

LAHAT NG ONLINE GAMBLING, DAPAT SUSPINDIHIN!

BUCOR, NAGPALAYA NG 793 PDL SA ILALIM NG ADMINISTRASYONG MARCOS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *