Sta. Maria, Bulacan – Isusulong ni Sta. Maria Mayoral Aspirant Ricky Buenaventura ang mas pinahusay at mas pinalapit na serbisyo publiko para sa mamamayan ng bayan.
Ayon kay Buenaventura, ang pangunahing layunin ng kanyang kandidatura ay tiyaking ang bawat residente ay may madaling akses sa mahahalagang serbisyo na magpapabuti sa kanilang pamumuhay.
Isa sa mga pangunahing programa na nais niyang ipatupad ay ang pagpapalakas sa mga health center sa bawat barangay upang matiyak na may sapat na gamut at serbisyong medikal para sa lahat.
Bukod dito, nais din niyang gawing mas abot-kaya at mas epektibo ang edukasyon sa Sta. Maria sa pamamagitan ng suporta sa pampublikong paaralan at scholarship programs para sa lahat ng mag-aaral sa nasabing bayan.
Pagdating sa kabuhayan, binibigyang-diin ni Buenaventura ang pagbibigay ng oportunidad sa maliliit na negosyante at manggagawa sa pamamagitan ng livelihood programs, skills training, at mas maayos na koneksyon sa mga ahensya ng gobyerno na maaaring makatulong sa kanila.
Ang mga katulad ni Buenaventura ay dapat mabigyan ng pagkakataong ipatupad ang kanyang mga adhikain upang maipamalas ang isang pamahalaang may malasakit at tunay na nagseserbisyo sa tao. (LATIGO REPORTORIAL TEAM)

One thought on “RICKY BUENAVENTURA, PRAYORIDAD ANG SERBISYONG MALAPIT SA TAO!”