LALAWIGAN NG TARLAC – Sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng batas sa iligal na pasugalan, lumalabas na may mga opisyal ng gobyerno sa Tarlac na diumano’y nagpapabaya o nagbubulag-bulagan sa mga operasyon nito. Ang pagkakasangkot ng ilang mayor at hepe ng pulisya sa kapabayaan laban sa iligal na saklaan at patulo ng diesel ay isang seryosong usapin na dapat pagtuunan ng pansin.
Sa CAPAS, TARLAC Si Mayor Atty. Roseller Rodriguez at PLTCOL Jovy Arceo ay sinasabing kinokonsinte ang operasyon ng mga saklaan at patulo ng diesel na pinamamahalaan ni Alyas Jun Santos na lantarang nagoopereyt ng mga ito.
Samantala, sa Victoria, Tarlac diumano’y may pagkukulang din sina Mayor Rex Villa Agustin at COP PMAJ Teddy Martin sa pagsugpo ng iligal na sugal sa kanilang bayan.kung saan ay tila walang harimunan ang talamak na saklaan sa nasabing bayan ngunit tila hindi ito nakikita o sadyang walang pakielam lamang itong sina Mayor Rex Villa Agustin at hepe nitong si PMAJ Teddy Martin.
Tila pinapayagan naman na magpatuloy ng mga awtoridad ang mga sakla operators na sina alyas Ronnel, Romy, Seraffin, Rey, at Ely Tan Monte Operator sa bayan ng Paniqui, Tarlac Ang mga nasa posisyon, gaya nina Mayor Max Roxas at PLTCOL Sean Logronio, ay hindi kumikilos laban dito.
Ayon sa Presidential Decree No. 1602, ang sinumang mahuling nagpapatakbo o nagbubulag-bulagan sa iligal na sugal ay maaaring patawan ng kaukulang parusa. Dagdag pa rito, ayon sa Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, ang kapabayaan sa pagpapatupad ng batas ay isang malinaw na anyo ng katiwalian at paglabag sa etikal na pamantayan ng mga opisyal ng gobyerno.
Sa halip na manahimik, dapat magsagawa ng agarang imbestigasyon ang kinauukulan upang matigil ang paglaganap ng iligal na sugal at patulo ng diesel sa Tarlac. Dapat aksyunan ito upang maalis ang pagdududa ng taumbayan at maibalik ang tiwala sa gobyerno. Hindi dapat hayaang magpatuloy ang ganitong mga aktibidad na hindi lamang lumalabag sa batas kundi nagpapahina rin sa tiwala ng publiko sa mga halal na opisyal at alagad ng batas. (LATIGO REPORTORIAL TEAM)
