DAVAO CITY – Dumalo si Senatorial Candidate Rodante Marcoleta sa Hugpong Youth Convention 2025 noong Pebrero 28, 2025, sa Lanang, Davao City. Mahigit 2,000 opisyal ng Sangguniang Kabataan mula sa 182 barangay ng lungsod ang nagtipon-tipon sa nasabing kaganapan.
Kasama rin sa pagtitipon sina Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte, mga Kongresista, Konsehal ng Lungsod, at iba pang senatorial candidates mula sa PDP-Laban line-up. Ipinakita ng mga lider ang kanilang suporta sa mga kabataang lider ng Davao City na patuloy na nagsusulong ng kaunlaran at mabuting pamamahala.
Inilatag ni Marcoleta ang kaniyang plataporma at proyekto sa pagpapalakas sa mga youth sector.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na pinalalakas ang partisipasyon ng kabataan sa pamamahala at pag-unlad ng kanilang mga komunidad. Ang pagdalo ay bahagi din ng kaniyang kampanya sa pagtakbong senador ngayong darating na halalan. (Latigo Reportorial Team)
