RUIZ, NAKATUTOK SA LABAN KONTRA FAKE NEWS

MANILA – Tiniyak ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay Ruiz nitong Martes na wala siyang pagsisisi sa pagtanggap ng posisyon bilang pinuno ng pangunahing ahensya ng gobyerno sa komunikasyon. Aniya, ­determinado siyang palakasin ang kampanya laban sa fake news.
Sa isang press briefing sa Malacañang, inamin ni Ruiz na siya mismo ay naging biktima ng ­maling impormasyon sa loob lamang ng isang linggo mula nang maupo sa puwesto.
“Walang pagsisisi. Ako po ay nandito para magsilbi, para sa ating bayan. ‘Yun lang, totoo po iyan,” ani Ruiz nang tanungin kung pinagsisisihan niya ang pagtanggap sa posisyon sa kabila ng mga alegasyong may-ari siya ng private ­media firm na Digital8, na umano’y nakakuha ng mahigit PHP200 milyon sa kontrata ng gobyerno.
Si Ruiz ay nanumpa bilang PCO secretary noong­Pebrero 24. Aniya, wala siyang planong patulan ang fake news tungkol sa kanya, subalit kailangan niyang pabulaanan ang mga ito upang mapanatili ang kanyang dangal at integridad.
“Mawawala ako sa focus… Ang mahalaga dito ay maihatid ang tamang impormasyon sa ating mga kababayan. Hindi ito tungkol sa akin, kundi para sa tao, upang malaman nila ang mga programa at polisiya ng gobyerno na makakatulong sa kanila,” dagdag niya.
Nanawagan din si Ruiz sa media na makipagtulungan sa PCO upang labanan ang maling impormasyon at disimpormasyon.
“Mula sa traditional media, sama-sama po nating labanan ang fake news. Sumosobra na.
Nagiging toxic na ang kapaligiran kung saan tila wala nang batas,” aniya.
Hinikayat niya ang ­publiko na maging ­“guardians of truth” at ­iginiit na dapat mas malakas ang boses ng katotohanan kaysa sa kasinungalingan.
Bukod sa kampanya kontra fake news, ipinahayag din ni Ruiz ang kanyang hangaring ipatupad ang mga reporma sa loob ng PCO, kabilang ang mas epektibong istruktura ng ahensya.
“Tinawag ako upang maglingkod. Sumagot ako sa tawag na iyon,” ­pagtatapos ni Ruiz.
(DJ GEALONE)

Spread the love

MARCOLETA, DUMALO SA HUGPONG YOUTH CONVENTION 2025 SA DAVAO CITY

ESCUDERO, TINAWAG NA “GAME CHANGER” ANG ETEEAP ACT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *