72 INDIBIDWAL, ARESTADO SA ISANG LINGGONG OPERASYON NG TARLAC PNP

10 hanggang 17, 2025, nasakote ang 72 indibidwal, kabilang ang mga wanted na personalidad, at nakumpiska ang iligal na droga na nagkakahalaga ng Php127,192.56.
Sa kabuuang bilang ng mga naaresto, tatlumpu (30) ang nasakote dahil sa ilegal na sugal, labing-siyam (19) dahil sa iligal na droga, habang dalawampu (20) naman ang may nakabinbing warrant of arrest para sa mga kasong Attempted Murder, Frustrated Homicide, Qualified Rape, Robbery, Theft, Physical Injuries, at iba pang paglabag sa mga espesyal na batas. Isang lalaki ang naaresto sa bisa ng Search Warrant, habang dalawa (2) naman ang hinuli sa isinagawang police response.
Bukod sa mga pag-aresto, nasamsam din ang 18.219 gramo ng hinihinalang shabu at 27.53 gramo ng hinihinalang marijuana na may halagang Php127,192.56, dalawampung (20) loose firearms, at Php6,247.00 halaga ng taya mula sa ilegal na sugal.
Ayon kay Tarlac PPO Police Director, PCOL Miguel M. Guzman, ang mga tagumpay na ito ay bunga ng matibay na suporta ng komunidad sa kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad. Ipinahayag din niya ang patuloy na pagtutok ng Tarlac PPO sa pagsugpo sa mga iligal na aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.
Muling nanawagan ang pulisya sa publiko na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon upang masugpo ang krimen sa kanilang lugar. (LATIGO REPORTORIAL TEAM)

Spread the love

UNITY WALK, INTER-FAITH RALLY AT PEACE COVENANT SIGNING, DINALUHAN NI PCOL MARAGGUN

SSS TO IMPLEMENT MAJOR REFORMS IN 2025

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *