ALYAS BRENDON DELA ROSA, KINAKALADKAD ANG PANGALAN NI PCOL GUZMAN SA PANGONGOLEKTA NG PAYOLA

TARLAC – Umani ng matinding batikos mula sa mga operator ng pasugalan at ilang kasamahan sa media ang isang nagngangalang Alyas BRENDON DELA ROSA dahil sa lantaran at garapalang paggamit sa pangalan ni Tarlac Police Provincial Director PCOL Miguel Guzman upang mangolekta ng doble pa sa tripleng lingguhang tara mula sa mga iligal na sugalan sa lalawigan.
Ayon sa mga impormante, si Dela Rosa ay nagpapakilalang tauhan umano ni PD Guzman at ng mga malalapit nitong kaalyado na sina Alyas Ricky Gonzales at Alyas Jerome, at ginagamit ang ugnayang ito upang makapangikil at makapanghingi ng “proteksyon money” mula sa mga gambling operator. Halos tatlong linggo na umano itong umiikot sa mga bayan ng Concepcion, Tarlac City, Capas, Paniqui, at Victoria, pinupuntirya ang mga pasugalan gaya ng saklaan at pergalan.
Mas malala pa rito, ginagamit ni BRENDON DELA ROSA ang pangalan ng ating pahayagan na LATIGO NEWSPAPER at ng publisher nitong si MARIO BATUIGAS bilang pantakip sa kanyang operasyon.
MARIIN NATIN itong KINOKONDENA, Wala siyang anumang pahintulot mula sa ATING pahayagan, at tahasang nilalabag ang tiwala at kredibilidad ng institusyong matagal nang nagsi­silbi sa publiko sa pa­mamagitan ng matapat na pamamahayag.
Ayon pa sa source, ipinagmamalaki pa umano ni BRENDON DELA ROSA na siya raw ang “tagapamahagi” ng pera mula kay PD at Alyas RICKY para sa mga kaibigan ni PD sa media. Ngunit lumalabas na hindi naman nakararating sa totoong benepisyaryo ang mga naturang “publication fee’s” sa kadahilanang iniipit diumano ni BRENDON DELA ROSA ang mga naturang pera. Napag-alaman na hindi ito alam ni PCOL Miguel Guzman at ni Alyas Ricky. Maski kaniyang mga amo (kung totoo man) ay binubukulan pa. Ang kapal ng mukha
Ang ganitong uri ng pag-aastang parang “hari-harian” ay dapat ng supilin.
Ginagamit ni Alyas Brendon ang pangalan ng kapulisan, ng media, at maging ng isang lehitimong pahayagan para sa kanyang pansariling interes.
Dapat na itong silipin, imbestigahan, at durugin. Panawagan sa mismong hepe ng Tarlac PNP na si PCOL Miguel Guzman, na dapat nang wakasan ang paggamit ng inyong pangalan sa ga­nitong uri ng raket.
Kung tunay ang intensyon mong linisin ang hanay ng kapulisan sa lalawigan, simulan ito sa pagpapahuli at pagsasampa ng kaso kay Alyas Brendon Dela Rosa.(Latigo Repotorial Team)

Spread the love

LAGANAP NA ILLEGAL GAMBLING SA LAGUNA, PROTEKTADO NI GOV. HERNANDEZ AT PCOL DALMACIA?

Zero Gender-Based Violence sa Gitnang Luzon – CHR Region 3