MARILAO, BULACAN – Sa gitna ng lumalakas na panawagan para sa pagbabago, isang matapang at bagong tinig ang umaangat sa Ikaapat na Distrito ng Bulacan. Si Andre Santos, isang kilalang lingkod-bayan mula Marilao, ay tumitindig dala ang kanyang paninindigan: “PUSO, HINDI PISO!”
Bilang isang konsehal at dating Bise-Alkalde ng Marilao, kilala si Santos sa kanyang tapat at tunay na paglilingkod.
Ngayon, habang tumatakbo siya bilang kongresista, dala niya ang pangarap na gawing mas progresibo, patas at pamumunong may respeto sa tao ang Ikaapat na Distrito, na binubuo ng Meycauayan, Obando, at Marilao.
Ramdam at uhaw mga tao ang mga tao para sa reporma sa mga nasabing bayan at lungsod.
Maraming mamamayan ang naghahanap ng isang lider na hindi lang nangangako kundi tunay na kikilos para sa kanila.
Sa laban na ito, hindi pera ang puhunan ni Santos sa kampanya—kundi puso, malasakit, at integridad.
Sa kasalukuyan, si Andre Santos ang lumalabas na paborito ngayon ng ikaapat na distrito bilang kanilang napipisil na congressman ngayong darating na halalan base sa mga surveys. Sa (LATIGO REPORTORIAL TEAM)

One thought on “BAGONG SISTEMA PARA SA IKAAPAT NA DISTRITO NG BULACAN!”