BUCOR, NAGPALAYA NG 793 PDL SA ILALIM NG ADMINISTRASYONG MARCOS

MANILA – Pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kabuuang 793 kwalipikadong persons deprived of liberty (PDLs) mula Enero 31 hanggang Pebrero 28, na nagdala sa kabuuang 19,740 PDLs na napalaya sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Pinangunahan nina Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla at BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. ang seremonya ng pagpapalaya para sa 182 PDLs sa BuCor headquarters sa Muntinlupa City noong Biyernes.
Ayon kay Remulla, bukod sa pangako ng DOJ na maghatid ng tunay at patas na hustisya, tungkulin ng pamahalaan na tiyakin na ang katarungang ito ay may kasamang habag at makataong pagtrato.
“Aside from the DOJ’s commitment to deliver real justice for all in real-time, morality and conscience dictates that it is incumbent upon this government to ensure that this justice we are upholding is also compassionate and humane in the highest degree” Ani Remulla.
Hinikayat rin niya ang mga napalayang PDL na gamitin ang kanilang mga natutunan sa rehabilitasyon upang mapatunayan sa kanilang komunidad na ang pagbabago ay posible.
“Patunayan po natin sa ating komunidad, sa mga tao sa labas, ang tao pwede magbago,” dagdag niya.
Patuloy ang programa ng BuCor sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga PDL sa pamamagitan ng iba’t ibang rehabilitasyon at reintegration programs upang matiyak ang kanilang maayos na pagbabalik sa lipunan.
(Grace Batuigas)

Spread the love

KORTE SUPREMA, PINAGPAPALIWANAG ANG KONGRESO SA IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY VP SARA DUTERTE

PROSTHETIC HANDS, HANDOG NG PCUP AT LN-4 foundation para sa URBAN POOR AMPUTEES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *