BULACAN KINILALA SA TRES AWARDS NG DEPARTMENT OF TOURISM

Muling pinatunayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan (PGB) ang husay nito sa larangan ng turismo matapos magwagi ng maraming parangal sa Tourism Recognition for Enterprises and Stakeholders (TRES) Awards na isinagawa ng Department of Tourism – Region 3 sa Quest Plus Conference Center, Clark Freeport Zone, Pampanga kahapon.
Itinanghal ang Bulacan bilang grand winner ng Most Outstanding Heritage and Cultural Tourism Award para sa SINEliksik Bulacan at Most Outstanding Culinary Tourism Program para sa Kalutong Bulakenyo. Bukod dito, nakamit din ng lalawigan ang ikalawang pwesto bilang Most Outstanding Festival para sa Singkaban Festival.
Pinarangalan din ang yumaong si Dr. Eliseo S. Dela Cruz, dating pinuno ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO), bilang pagkilala sa kanyang mahahalagang ambag sa turismo. Ang kanyang kapatid na si Christine Dela Cruz ang tumanggap ng parangal sa kanyang ngalan.
Samantala, tinanggap ni Provincial Administrator Antonia V. Constantino ang mga parangal sa ngalan ni Gobernador Daniel R. Fernando, kasama sina May Arlene Torres, pansamantalang pinuno ng PHACTO, at Limuel Jan J. Lobederio, pinuno ng Tourism Division ng PHACTO.
Pinarangalan din ang mga tanggapan ng turismo ng mga lungsod ng San Jose del Monte, Malolos, at Baliwag para sa kanilang pagsisikap na pagandahin ang karanasan ng mga turista at pagpapanatili ng mataas na pamantayan sa pamamahala ng turismo sa lalawigan.
Ang TRES Awards ay isang prestihiyosong programa ng Central Luzon na nagbibigay ng pagkilala sa mga indibidwal, negosyo, organisasyon, at pamahalaang lokal na nagpapamalas ng kahusayan sa industriya ng turismo sa rehiyon. Layunin nitong itampok ang mga natatanging inisyatiba na nagpapalakas sa atraksyon ng Central Luzon bilang isang pangunahing destinasyon ng mga turista. (LATIGO REPORTORIAL TEAM)

Spread the love

PROSTHETIC HANDS, HANDOG NG PCUP AT LN-4 foundation para sa URBAN POOR AMPUTEES

JAD RACAL, TULOY-TULOY ANG PAMAMAHAGI NG BIYAYA SA DISTRITO SAIS

One thought on “BULACAN KINILALA SA TRES AWARDS NG DEPARTMENT OF TOURISM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *