Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay dinadala na sa The Hague, Netherlands, upang harapin ang kaso kaugnay sa mga pagpatay kontra war on drugs sa nakalipas na administrasyon.
Nakalipad na patungong The Hague, Netherlands ang eroplanong lulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.pin ang mg
Dakong 11:03 nitong gabi ng Martes ay lumipad mula sa Villamor Airbase ang Gulfstream G550 chartered flights.
Dahil sa haba ng biyahe ay mag-stop over muna ang nasabing eroplano sa Dubai, United Arab Emirates para sa refueling at tuluyan itong didiretso sa The Netherlands.
Sinabi ni Atty. Martin Delgra III ang legal counsel ng dating Pnagulo , na kasama ni Duterte sina dating Executive Secretary Salvador Medialdea at nurse na personal assistant nito.
Ipinagtanggol ni Marcos ang pag-aresto kay Duterte sa isang warrant mula sa International Criminal Court, na nagsasaad na sinunod niya ang bawat kinakailangang pamamaraan at may mga pangako. Si Duterte ay inaresto dahil sa mga krimen laban sa sangkatauhan at ngayon ay patungo sa The Hague.
Nakahanda na raw siyang harapin ang warrant at hindi na tatakas sa ibang bansa. Sinabi ng kanyang legal counsel na si dating Labor Secretary Silvestre Bello, na pinag-aaralan ng kampo ni Duterte ang mga susunod na legal na hakbang kasunod ng pag-aresto.
Magugunitang inaresto ang dating Pangulo nitong umaga ng Martes pagdating nito sa bansa mula sa Hong Kong matapos na mailabasang warrant of arrest mula sa International Criminal Court.