GARAPALANG OPERASYON NG ILLEGAL GAMBLING SA PANGASINAN, TALAMAK PA RIN!

PANGASINAN – Sa kabila ng patuloy na pagsisiwalat ng mga concerned citizens at pagsubaybay ng midya sa laganap na operasyon ng iligal na mga pasugalan sa lalawigan, tila nananatiling tikom ang bibig nina Regional Director PBGEN Lou Evangelista at Provincial Director PCOL Rollyfer Capoquian, na inaasahang kikilos upang sugpuin ang mga ito.
Makalipas ang ilang araw mula nang mailathala ang unang ulat tungkol sa malawakang sugalan sa Pangasinan, marami pang sumbong ang natanggap ng pahayagang ito mula sa iba’t ibang bayan. Ayon sa mga nagpadala ng impormasyon, lumalakas pa umano ang loob ng mga gambling operator, na parang sinasadyang ipakita sa publiko na wala silang kinatatakutan—maging ang batas mismo.
May mga ulat din na nagsasabing imbes na matakot, lalo pang nagiging agresibo ang ilang nagpapalakad ng iligal na sugalan. Sa bayan ng San Fabian, San Jacinto, Manaoag, Calasiao, Bautista, Malasiqui, Rosales, Brgy. Anolid, Brgy. Gueguesangen, Brgy. Talogtog, at Mangaldan, si Roland Ibasan umano ang nasa likod ng mga pasugalan itong na tila ay mas lalong kumakalat sa probinsiya. Sa Binmaley, sina Rene at Robin Ibasan ang siyang nagpapalakad ng mga operasyon. Sa Basista, Alcala, at Mapandan, si Rene Ibasan naman ang itinuturong operator. Samantala, sa Tayug at San Manuel, si Alyas Boss Tutoy umano ang namamayagpag sa iligal na pasugalan.
Sa Brgy. Perez, Dagupan, magkaribal umano sina Alyas Lando at Ardee Ibasan, habang sa Brgy. Maasin, si Gary Ibasan ang itinuturong nagpapatakbo ng sugalan. Sa Brgy. David, si Alyas Apak naman umano ang may kontrol sa mga iligal na operasyon.
“Wala pong ginagawa ang mga awtoridad. Kahit anong sumbong namin, parang walang epekto. Parang sila pa mismo ang nagpoprotekta sa mga iligal na aktibidad na ito,” ayon sa isang concerned citizen na nagnanais manatiling hindi pinangalanan para sa kanyang kaligtasan.
Mas nakababahala, tila hindi nirerespeto at sinasalaula lamang ng mga iligalista ang batas. Diumano, kahit ang Presidential Decree 1602, na naglalayong labanan ang illegal gambling sa bansa, ay binabalasubas lamang. Sa halip na sundin ang batas, mistulang ginagawang katawa-tawa at walang saysay ang mga probisyon nito dahil sa hayagang operasyon ng mga pasugalan.
Samantala, patuloy pa ring binabatikos ang tila pananahimik nina PBGEN Lou Evangelista at PCOL Rollyfer Capoquian. Sa kabila ng mga panawagan at reklamo, hindi pa rin naglalabas ng anumang pahayag ang dalawang opisyal ukol sa isyu.
Marami tuloy ang nagdududa kung totoo bang sila ay tumatanggap ng llingguhang “patong” buhat ng hindi pag-aksyon ng kanilang tanggapan.
“Kung wala po silang tinatanggap na lagay, bakit hindi sila kumikilos? Hindi naman mahirap hulihin ang mga pasugalan na ito. Nandiyan lang sila sa harap ng publiko, hayagang nag-ooperate,” dagdag pa ng isang nagrereklamong residente.
Kung patuloy pa rin ang pananahimik at hindi pag-aksyon nina PBGEN Lou Evangelista at PCOL Rollyfer Capoquian, atin nang ipaparating ang usaping ito sa mas mataas na kinauukulan—kina PNP Chief General Francisco Marbil at DILG Secretary Jonvic Remulla. Nawa’y sila na mismo ang kumilos upang matuldukan ang lumalalang kultura ng iligal na pasugalan sa Pangasinan.
Patuloy na maninindigan ang pahayagang ito sa prinsipyo ng patas at balanseng pamamahayag. Muli naming sinusubukang makuha ang panig ng PNP Pangasinan, PBGEN Lou Evangelista, at PCOL Rollyfer Capoquian. Hangad namin ang katarungan at tunay na pagpapatupad ng batas sa lalawigan. Abangan.
(Latigo Reportorial) Team)

Spread the love

MARCOLETA, UMAKYAT SA SURVEY NG MBC-DZRH SA REGION X

“THIS IS ABOUT OUR DIGNITY AS FILIPINOS” – SEN. IMEE MARCOS

One thought on “GARAPALANG OPERASYON NG ILLEGAL GAMBLING SA PANGASINAN, TALAMAK PA RIN!

Comments are closed.