HALALAN SA BARMM, IPAGPAPALIBAN!

MINDANAO — Kumpirmado na ang pagpapaliban ng halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12123. Ang naturang batas ay nag-uutos ng pagpapaliban ng Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) mula Mayo 12 patungong Oktubre 13, 2025.
Sa ginanap na Memorandum of Agreement (MOA) signing sa punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec), inihayag ni Comelec Chairman George Garcia na naabisuhan siya ng Malacañang nitong Miyerkules tungkol sa pagpirma ng Pangulo sa naturang batas.
“I was informed by Malacañang earlier that the President has already signed the bill postponing the Bangsamoro Parliamentary Elections from May to October of this year,” ani Garcia.
Dahil dito, magkakaroon ng panibagong halalan na isasagawa nang hiwalay sa ibang nakatakdang halalan sa bansa.
Ayon kay Garcia, hinihintay pa ng Comelec ang opisyal na kopya ng batas upang makapagsagawa ng kinakailangang pagbabago sa kanilang paghahanda para sa BPE. Kailangan aniya itong suriin upang maliwanagan ang ilang mahahalagang probisyon, tulad ng pinagmumulan ng pondo para sa halalan, ang alokasyon ng mga puwesto sa parlyamento lalo na sa lalawigan ng Sulu, at ang proseso ng pagbili ng election paraphernalia.
“It is very important that we see the final law as signed by the President” diin ni Garcia.
Sa kabila ng ­pagbabago sa iskedyul, tiniyak ng COMELEC na ipagpapatuloy nito ang pagsisikap upang matiyak ang isang maayos, malinis, at mapayapang halalan sa Bangsamoro region. Patuloy din nilang susuriin ang iba pang detalye upang matiyak ang maayos na implementasyon ng bagong batas.
(Grace Batuigas)

Spread the love

BULACAN PPO, MATAGUMPAY NA NAGSAGAWA NG OPERASYON KONTRA KRIMINALIDAD

Inutusan ng Comelec ang 34 na party-list na tanggalin ang mga ilegal na materyales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *