STA. MARIA, BULACAN – Tuloy-tuloy ang pamamahagi ni JAD RACAL ng food packs para sa iba’t-ibang bayan ng ikaanim na distrito. Sa kabila ng iba’t ibang hamon, patuloy siyang nagdadala ng tulong sa mga nangangailangan, lalo na sa mga pamilyang higit na apektado ng kahirapan.
Sa kanyang pinakahuling aktibidad, daan-daang residente ang nakatanggap ng ayuda, na kinabibilangan ng bigas, de-lata, at iba pang pangunahing pangangailangan. Ang inisyatibang ito ay bahagi ng kanyang adbokasiya na palakasin ang bayanihan at pagtutulungan sa komunidad.
Ayon sa mga benepisyaryo, malaking ginhawa ang naibigay ng ayuda lalo na sa mga pamilya na hirap makahanap ng hanapbuhay. “Malaking tulong po ito sa amin. Napakabuting tao ni JAD RACAL at sana ay magpatuloy pa ang kanyang malasakit sa mahihirap,” ayon sa isang residente.
Bukod sa pamamahagi ng food packs, patuloy ding isinusulong ni RACAL ang iba pang programa para sa kapakanan ng kanyang nasasakupan. Nakikipagtulungan din siya sa iba’t ibang sektor upang matiyak na mas marami pang pamilya ang matutulungan sa mga susunod na linggo.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni RACAL ang kanyang dedikasyon sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa mga nangangailangan.
“Ang tunay na paglilingkod ay walang pinipiling panahon. Hangga’t may nangangailangan, tayo ay laging handang tumulong,” aniya.
Patuloy ang pagkilos ni RACAL upang maabot ang mas maraming nangangailangan sa ikaanim na distrito, dala ang kanyang pangakong walang sawang paglingap sa kapwa. (LATIGO REPORTORIAL TEAM)

One thought on “JAD RACAL, TULOY-TULOY ANG PAMAMAHAGI NG BIYAYA SA DISTRITO SAIS”