Legal na problema ni Duterte hindi kasalanan ng gobyerno.

Ang mga legal na problema ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay walang kinalaman sa mga batas ng Pilipinas at hindi dapat isisi sa gobyerno.
Isang warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) ang inihain ng Interpol at lokal na pulisya kay Duterte dahil sa umano’y mga krimen laban sa sangkatauhan na may kaugnayan sa kanyang madugong giyera kontra droga.
Kasama sa mga kaso ang mga akusasyon ng extrajudicial killings, na umani ng batikos mula sa mga organisasyon ng karapatang pantao at internasyonal na komunidad. Binigyang-diin ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na ang imbestigasyon at arrest order ay nagmula sa ICC at hindi sa domestic laws.
Pinayuhan niya ang legal team ni Duterte na kumuha ng kopya ng mga kasong isinampa laban sa kanya ng ICC para mas maunawaan kung bakit naglabas ng arrest order.
Nauna nang sinabi ng gobyerno na hindi ito makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC laban kay Duterte, ngunit obligado itong kumilos sa mga obligasyon nito sa Interpol.

Spread the love

Comelec 2025 na balota malapit nang matapos

Writ of Amparo para sa pamilya ng detenido pinagbigyan n Korte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *