PANGASINAN, ILIGAL GAMBLING CAPITAL OF THE NORTH

PCOL Capoquian at Gov. Guico III, Suko na ba o sadyang nakakatanggap lang?

 

PANGASINAN – TALAMAK AT LAGANAP ang mga PERGALAN (perya at sugalan) sa lalawigan ng Pangasinan na ngayon ay tinaguriang “ILIGAL NA SUGALAN CAPITAL OF THE NORTH” dahil diumano ay di na mapigilan ang mga pergalang ito sa lalawigan dahil sa diumano`y “PADRINO” na ipinagyayabang ng mga Gambling Lord sa lalawigan lalong-lalo na itong MGA ILIGALISTANG IBASAN
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang mga operasyon ng mga nagkalat na mga sugalan sa iba`t-ibang bayan at lungsod diyan sa Pangasinan nitong Pamilya Ibasan
Heto at meron sa San Jacinto, San Fabian, Manaoag, Bautista, Malasiqui, Rosales at Calasiao na inooperate ni ROLAND IBASAN, sa Binmaley naman, diyan naman nag-ooperate si ROBIN AT RENE IBASAN, Samantala, sa may Basista ,Mangatarem at Bugallon, magkatuwang diyan sa pagpapatakbo si Jano at Rene Ibasan kung saan dito ay naghahasik sila ng KADILIMAN. Ganyan sila kalupit! Akala mo animo`y gumawa na ng IMPYERNO este IMPERYO ang magkakapatid na IBASAN.
Ngayon nakarating pa sa atin na diumano ay sa San Carlos eh namamayagpag din ang sugalan nitong si ALYAS KAP BOYET na siyang nagmamalaki na diumano siya ay nagpapaabot sa tanggapan ni Gov. Guico III ng halagang Php. 1.3 million kada linggo bilang payola at smooth na operasyon ng kaniyang mga sugalan. Totoo ba ito? bukod kay Engr. Flores, may mga kalaban papala sa negosyo ang mga Ibasan Brothers.
Ito ay nakakabahala, dahil sa kabila ng mga reklamo at sumbong ng mga concerned citizens ukol sa mga illegal na pasugalan na ito, LANTARAN AT WALANG PAKUNDANGAN ang operasyon ng mga SUGALAN NA ITO SA LALAWIGAN! At ayon pa sa mga concerned citizen ay paikot-ikot lamang ang mga sugalan na ito sa anim na distrito ng Pangasinan na siyang dahilan ng pagtataka ng taumbayan kung bakit sa kasalukuyan ay patuloy parin ang mga SUGALAN NA ITO!
Sabi ng isa natin nakapanayam natin na residente malapit sa pergalan sa Binmaley sa tapat lang ng Evacuation Center. “WALA NA DI NA KAYA NG MGA OTORIDAD ANG MGA IYAN DITO, LALO NA PO ANG PNP, WALA NG PAG-ASA , dahil MATAGAL NA IYAN NIREREKLAMO sa kanila papahuli kuno at ipapasara ilang araw lang bukas na ulit, Kaya nga tawag sa Pangasinan ngayon ay “ILIGAL NA PASUGALAN CAPITAL OF NORTH”
Dagdag pa na pagtataka nito, “NAGTATAKA NA NGA KAMI EH, KASI NGA BAKIT PARANG WALANG GINAGAWA YUNG DIREKTOR NG PANGASINAN PNP sa PISTING SUGALAN NA IYAN? MASKI SI GOV. GUICO III…walang pakielam. MATAGAL NG NANALOT YANG MGA PERGALAN NA YAN DITO SA AMIN. PERO HANGGANG NGAYON WALA PA RIN AKSYON. TINGIN NGA NAMIN TOTOO YUNG MGA PINAGYAYABANG NI RENE IBASAN na iyan na PERA LANG KATAPAT, TAPOS NA ANG USAPAN. WALA NA SILANG PROBLEMA”
Hanggang sa kasalukuyan ay MALAYANG ­NAKAKAPAG-OPEREYT NG SUGALAN ang mga iligalistang ito sa PANGASINAN. SIGURO NGA ay kabisado na nila ang sistema sa pamimili sa mga awtoridad para WALANG GAGAMBALA sa kanilang mga ILLEGAL BUSINESSES.
TANONG NG MGA CONCERNED CITIZENS sa PANGASINAN PNP at sa tanggapan ni GOV. GUICO III, “SUKO NA KAYA SILA GOV. GUICO AT ANG PNP PANGASINAN NA IPAHULI ITONG MGA ILIGALISTA AT IPASARA ANG MGA PERGALAN NITO? TAKOT KAYA? O SADYANG NABABAYARAN LANG KAYA DI NILA MABIGYAN NG LEKSYON ITONG MGA ILIGALISTA NA ITO? MAGTATAKA KA DIN EH, BAKA TOTOO NGA MGA SINASABI NI RENE IBASAN? ito ay tanong lamang ng concerned citizen.
PCOL ROLLYFER CAPOQUIAN AT GOV. RAMON GUICO III, Ano po kaya ang sagot niyo sa mga ito? Totoo po ba na kayo ay tumatanggap para magbigay proteksyon sa mga PERGALAN na ito? Nagtataka at nagtatanong na po ang mga taumbayan.
Kaya panawagan ng LATIGO NEWSPAPER NATIONWIDE ay aksyunan at pulbusin po ninyo ang TALAMAK AT NAGKAKALAT NA MGA PERGALAN NA DIYAN SA LALAWIGAN NG PANGASINAN!
Ipakulong ang mga IBASAN maging si ALYAS KAP BOYET
PCOL ROLLYFER CAPOQUIAN AT GOV. RAMON GUICO III, GALAW-GALAW po kung may malasakit po talaga kayo sa inyong mga nasasakupan
Samantala, tayo ay nanatili hanggang sa kasalukuyan sa pakikipag-ugnayan sa tan ggapan ni PBGEN. LOU EVANGELISTA ang Regional Director ng PRO 1 upang manawagan na mangielam na tungkol sa hinaing ng mga mamamayan sa Lalawigan ng PANGASINAN KONTRA sa mga nagkalat na iligal na PERGALAN sa LALAWIGAN.
Subaybayan….Tuloy-tuloy ang pag-expose (LATIGO REPORTORIAL TEAM)

Spread the love

Pilipinas Lumabas sa Graylist

2 HIGH VALUE INDIVIDUALS, HULI SA BUY-BUST OPERATION NG CAVPPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *