PCOL DALMACIA WALANG KIBO KONTRA RAMPANT ILLEGAL GAMBLING?

LAGUNA — Sa kabila ng sunod-sunod na ulat at reklamo hinggil sa umano’y malawakang operasyon ng iligal na pasugalan sa lalawigan, nananatili pa ring tahimik at walang aksiyon ang pamunuan ng Laguna Police Provincial Office (PPO) sa pangunguna ni Provincial Director PCOL Ricardo Dalmacia.
Makalipas ang ilang linggo mula nang unang pumutok ang reklamo at sumbong na ito, patuloy pa ang operasyon ng mga iligal na pasugalan sa iba’t ibang bayan ng Laguna.
Diumano ay nananatiling malaya ang mga iligalistang sina ALYAS TITA AT ARVIN MANGIYAT ng CALAMBA. Ang anak diumano mismo ni MAYOR JAEN ang siyang nag-aasikaso ng mga pasugalan sa CABUYAO. Sa STA. ROSA, sina MYRA MANILA AT MAJOR EBORA, Sa SAN PABLO si SHERWIN IBARRA, Sa bayan ng CALAUAN, nabanggit ang pangalan ni MAYOR OSEL KARATIHA., habang si TIMMY PASCUAL na sinasabing hari ng iligal na pasugalan sa mga bayan ng NAGCARLAN, LILIW, AT PAGSANJAN. Sa ALAMINOS, si ALYAS DAN ang itinuturing na may kontrol sa bookies sa lugar. Sa LOS BAÑOS, sina JUN JIMENEZ at NOEL, na sinasabing kapatid ni ALYAS TOSE, ang pangunahing operator ng iligal na sugal. Sa BAE, si JASON ang itinuturong pasimuno ng iligal na aktibidad, habang si ALYAS TOSE naman ang patuloy na namamayagpag bilang operator ng Bookies sa SAN PEDRO, BIÑAN, AT SAN PABLO.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring anumang opisyal na pahayag o konkretong hakbang tayong nakikita mula sa Laguna PPO upang tugunan ang lumalalang sitwasyon ng talamak na iligal gambling sa Lalawigan
Ayon sa mga residente, tila nagbibingi-bingihan si PCOL Dalmacia sa panawagan ng publiko na linisin ang lalawigan mula sa mga iligal na sugal.
“Kung wala siyang kinalaman sa mga operasyon, bakit hindi niya maipatigil ang mga ito? Bakit wala pa ring nahuhuli?” tanong ng isang nag-aalalang mamamayan mula sa Sta. Rosa.
Patuloy rin ang pagdagsa ng mga reklamo mula sa mga lokal na negosyante na anila’y nalulugi dahil sa lumalaganap na mga pasugalan..
“Hindi lang ito usapin ng batas, kundi pati na rin ng kabuhayan. Imbes na gastusin sa mga produktibong bagay, natutunaw ang pera ng tao sa sugal,” ayon sa isang negosyante sa Calamba.
Bukod sa kawalan ng aksiyon ng Laguna PPO, kapansin-pansin din ang pananahimik ng ilang lokal na opisyal na isinasangkot sa usapin. Hindi malinaw kung sila ba ay may kinalaman o sadyang natatakot lamang sa posibleng epekto ng imbestigasyon.
Samantala, ilang organisasyon din ang nananawagan sa Philippine National Police (PNP) ­national headquarters at Department of the Interior and Local Government (DILG) upang imbestigahan ang tila pagpapabaya ng Laguna PPO sa tungkulin nito.
“Hindi na sapat ang pananahimik at pangakong aaksyunan ito. Kailangang may mahuli, may maparusahan, at may matanggal sa puwesto kung kinakailangan. Hindi pwedeng patuloy na magbulag-bulagan ang mga kinauukulan,” giit ng isang lokal na lider sa Biñan.
Habang walang kongkretong aksiyon mula sa Laguna PPO, patuloy lamang na lumalalim ang hinala ng publiko na may baka may proteksyon nga mula sa awtoridad ang mga gambling lord sa lalawigan.
Nananatiling palaisipan kung hanggang kailan ipagsasawalang bahala ng Laguna PPO ang reklamo at panawagan ng mamamayan na tuluyang linisin ang Laguna mula sa mga iligal na pasugalang ito. (LATIGO REPORTORIAL TEAM)

 

 

Spread the love

SAN MIGUEL GLOBAL POWER EXPANDS ENERGY PORTFOLIO WITH MAJOR PROJECTS

Hontiveros hinimok ang Senado: Walang impeachment delay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *