PCUP, NAKIISA SA KICK-OFF NG NATIONAL WOMEN`S MONTH SA PASAY

Pasay City – Matagumpay na inilunsad ng Philippine Commission for Women (PCW) ang taun ang selebrasyon ng National Women’s Month noong Marso 5, 2025, sa Music Hall, SM Mall of Asia. Sa temang “Babae sa Lahat ng sektor, Angat ang Bukas sa Bagong Pilipinas” binigyang-diin ang mahalagang papel ng kababaihan sa pagtataguyod ng mas inklusibo at progresibong bansa.
Dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at ­organisasyon, kabilang ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), ang makabuluhang pagdiriwang. Aktibong lumahok ang PCUP sa pamamagitan ng pagpapakilala ng kanilang mga serbisyo at inisyatiba para sa maralitang kababaihan. Pinangunahan ito ng National Focal Person for GFPS, Mr. Jesse Wilvic S. Jacildo, kasama ang mga kinatawan mula sa Office of the Chairperson at Field Operations Division for NCR.
Bilang bahagi ng selebrasyon, naglatag ang PCUP ng mga programang naglalayong ipabatid sa publiko ang kanilang adbokasiya para sa kababaihan sa sektor ng maralita. Isa sa mga naging tampok na aktibidad ang interactive mini-game kung saan hinulaan ng mga kalahok ang pangalan ng mga natata­nging Pilipina na nag-ambag sa pagsusulong ng karapatan ng kababaihan.
Bukod dito, isinagawa rin ang iba’t ibang talakayan upang bigyang-kaalaman ang mga kababaihan ukol sa kanilang proteksyon at kapakanan. Ilan sa mga pangunahing diskusyon ay:
– “Smart Budgeting for Every Juana” na inihatid ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)
– “Click Wisely, Juana! Stay Safe in the Digital World” mula sa National Privacy Commission
Pinasinayaan rin ni PCW Chairperson Ms. Ermelita V. Valdeavilla ang PCUP service booth kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga dumalo na alamin ang iba’t ibang programa at serbisyo ng komisyon para sa maralitang kababaihan.
Sa kanyang pahayag, nagpasalamat si PCUP Chairperson Sabili sa PCW sa pagbibigay ng pagkakataong maisulong ang adbokasiya ng Komisyon para sa kapakanan ng kababaihan sa urban poor communities.
Aniya, asahan ang patuloy nilang pakikiisa sa mga inisyatibang naglalayong itaguyod ang pantay na oportunidad at karapatan ng lahat ng maralitang Pilipina.
Sa kabuuan, naging makabuluhan at makasaysayan ang pagdiriwang ng National ­Women’s Month ngayong taon, na nagpatunay sa patuloy na pagsusumikap ng iba’t ibang sektor para sa isang mas inklusibo at progresibong Pilipinas para sa kababaihan. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

4 na Chinese inaresto ng PNP dahil sa pekeng crocs sa Bulacan

PGB, MAS PINALAKAS ANG KAMPANYA NGAYONG FIRE PREVENTION MONTH!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *