PRESYO NG BIGAS, IMOMONITOR DAW NG DTI

Kabayan, mas mahigpit na monitoring daw sa mga presyo ng bigas sa merkado ang isasagawa ng Department of Trade and Industry.
Kung saan paiigtingin daw ng DTI ang pagbabantay upang maipagpatuloy ang programa ng pamahalaan na magkaroon ng murang mabibiling bigas.
Mga igan, sa pamilihang bayan ng Malolos,may ilan pa rin na nagbebenta ng P60 per kilo ng bigas,sana masilip lahat ng dti ang ilang mapagsamantala na negosyante.
Pero sabi ng Department of Agriculture, may bawas na hanggang P3 kada kilo ang mga presyo ng bigas na ibinebenta sa KADIWA ng Pangulo’s Rice-for-All (RFA) program.
Sa Pebrero 15, ang MSRP ng dating P55 kada kilo ng imported na bigas ay magiging P52 kada kilo na at iba­baba pa ito hanggang sa maging P49 kada kilo na lamang ang presyo mula Marso 1.
May mga tindahan nang naispatan noon ang DTI sa lungsod ng Makati na nagbebenta ng mas mataas na imported rice at katwiran ng mga nakapuwesto ay dating stock, kaya hinayaan na lamang muna ng ahensya.
Ganun pa man, mahalaga pa rin na magkaroon ng aktwal na pagbisita ang mga tauhan ng DTI,upang matiyak na hindi samantalahin at totoong mapakinabangan ang itinakdang presyo ng bigas.
Ang MSRP naman para sa imported na bigas ay pinalawak na at ipatutupad na sa buong bansa upang mas lalong ma-stabillize o mapatatag ang presyo ng bigas sa merkado.
***
Quality Education dapat paigtingin sa mga eskwelahan sa buong bansa.
Hangad natin na maisakatuparan ang quality education para sa ating mga kabataan sa buong bansa.
Ang edukasyon lamang ang tanging pamana na magagamit nila sa hinaharap o sa mga darating na panahon, naniniwala tayo na kaya naman itong ibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga programang inilatag ni Education Secretary Sonny Angara.
Kaya pabor ang mayorya ng mga filipino sa hakbang ng Department of Education na mag-deploy ng 15,000 kuwalipikadong guro upang maging principals sa mga darating na panahon.
Sa ngayon kasi malaki ang kakulangan sa mga school principal sa bansa.
Kasunod nito’y maglalabas din ang DepEd ng interim guidelines para matiyak na ang mga principal na naka-detail sa mga opisina ay maibabalik sa kanilang assigned schools.
Nakapaloob din sa guidelines ang reassignment ng surplus principal positions sa mga nangangailangang eskwelahan.
Matatandaan na una nang iniulat ng Se­cond Congressional Commission on Education (EDCOM II) na 55% ng public schools sa bansa ang nag-o-operate nang walang principal.
Dapat makapili agad ang DepEd ng mga school principal upang makahabol sa ang mga kabataan sa mahahalgang aralin.
Para sa inyong reklamo at rekasyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com

Spread the love

PAGSISIMULA NG IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA DUTERTE, PINAGPALIBAN NG SENADO

BULACAN PPO, MATAGUMPAY NA NAGSAGAWA NG OPERASYON KONTRA KRIMINALIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *