“THIS IS ABOUT OUR DIGNITY AS FILIPINOS” – SEN. IMEE MARCOS

QUEZON CITY – Sa isang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations, mariing kinondena ni Senadora Imee Marcos ang posibleng pagsuko ng administrasyon kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court.
Sa kanyang opening statement, tinuligsa ni Marcos ang umano’y kakayahan ng ibang bansa na pakialaman ang usaping panloob ng Pilipinas.
“Isinuko natin si Rodrigo Roa Duterte sa dayuhan na para bang wala siyang sariling bayan, na para bang hindi na natin kayang humusga sa sarili nating tahanan,” aniya.
Iginiit din ng senadora na hindi ito usapin lamang ng isang indibidwal kundi ng dignidad ng buong bansa. “Kung kaya nila itong gawin sa isang dating Pangulo, sino na lang ang susunod?” tanong niya, habang binibigyang-diin ang pangambang maaaring maulit ang ganitong sitwasyon sa ibang Pilipino sa hinaharap.
Tinukoy rin ni Marcos ang epekto nito sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na maaaring maharap sa parehong panganib ng panghuhusga ng dayuhan.
“What protection can we guarantee our OFWs seeking out living overseas?” dagdag niya.
Bilang tugon, tiniyak ni Marcos na magsasagawa ng imbestigasyon ang Senado upang alamin ang mga detalye sa likod ng isyu.
“The Senate will seek answers. And if there is indeed wrongdoing, we will put up safeguards so this never happens again,” giit niya.
Sinabi din ni Sen. Imee Marcos na ang diumano`y kamalian na ito higit pa kay Duterte, kundi ito ay may mas malawak na negatibong epekto sa ating pagkakakilalan bilang isang bansa.
“This is bigger than Duterte. This is about our dignity as Filipinos.” Matigas na sabi ni Sen. Marcos
Iginiit din ni Marcos na ang anumang anyo ng dayuhang hustisya na ipinapataw sa Pilipinas ay hindi hustisya kundi isang uri ng pang-aalipin.
“Ang hustisyang ipinapataw ng dayuhan ay hindi hustisya. Ito ay pang-aalipin. Ito ay pagkontrol. At mga kababayan ko, hindi tayo alipin. Tayo ay Pilipino,” aniya.
Patuloy na sinusubaybayan ng Senado at ng publiko ang magiging takbo ng imbestigasyon kaugnay sa usaping ito. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

GARAPALANG OPERASYON NG ILLEGAL GAMBLING SA PANGASINAN, TALAMAK PA RIN!

PAMAMAHAGI NG BIGAS NI JAD RACAL, PINIPIGILAN